Monday, February 10, 2014

My Dream Boy


     "IDOL" kung sa tagalog ay paghanga sa isang taong may angking kakayahan sa iba't-ibang larangan.


        Maraming klase ng tao tayong hinahangaan writer, singer, dancer, host, bands, models,scientists at iba pang mga propesyon, higit sa lahat ang mga artsta. Napakaraming humahanga sa mga artista siguro marahil sa kanilang pisikal na pangangatawan, angat na itsura o sabihin na nating gwapo, malakas ang karisma, talento lahat na.. Parang lahat na nga ata kinuha nila..? Gaya ko humahanga din ako sa isang artista, gusto niyo bang malaman? pilitin niyo akooo.. nakakahiya eih^.^ Sige na nga! dahil gusto mo sasabihin ko na, sa totoo lang si Chocolate kase eih. Naniwala ka? Syempre joke lang, kilala niyo ba si FRANCIS MAGUNDAYAO? Ako kilalang kilala ko dahil siya ang idolo ko.


Francis Elmer "KIKO" Cabalteja Magundayao
14 years old
May 14, 1999 in Antipolo Rizal, Philippines
Filipino Actor and Top Commercial Model 


        Inidolo ko siya dahil una gwapo siya, may talento, mahusay umarte.. ah basta! kung ano yung sinabi ko sa umpisa ganun siya at isa pa siya ang isa sa mga inspirasyon ko. Sa katunayan nga eih, sa sobrang paghanga ko sa kanya pati pag tingin ko minsan sa tatay ko si FRANCIS??? OMG ! Hay! KALOKA!. Pero ang masakit dun patuloy akong humahanga sa kanya kahit alam kong wala namang pag-asa!, Artista siya, tagahanga nga lang ako. Kilala ko siya, pero ako ba kilala niya?. Marami akong picture niya sa cellphone, siya ba meron kahit isa?. Pinupuntahan ko kung nasaan siya, pero siya ba alam niya kung nasaan ako?. Nagpapakapagod akong habulin siya para magpapicture, pero siya natry bang habulin ako?. Sige na, tama na ang drama! nag-iilusyon na naman ako! Pero yun talaga eih, sa kabila ng pag-iidolo at paghanga ko sa kanya, kahit kailan hindi niya ako makikilala... pero kahit hindi niya ako kilala may picture naman ako kasama siya 


Celeb.Teen Basketball
@ CDSL Gym Congressional Ave. Proj.6


Kahit mahal ang bayad ng entrance, okay na! nakita ko naman ang idolo ko at minessage namin siya sa twitter na sana ifollow back niya ako, pero sa hindi ko inaasahan finollow niya din ako sa wakas!! :)) HAY ! Sobrang saya ko nung araw na yun! Sana maulit uli ang kahapon !! 
 





   

No comments:

Post a Comment