"Nanay, Tatay gusto ko tinapay. Ate, Kuya guysto ko ng kape. Lahat ng gusto ko ay susundin niyo ang magkamali ay pipingutin ko" ....... Isa lamang itong simpleng kanta, para sa mga taong naglalaro nito, pero para sa akin, mahalaga. Ako yung taong masayahin, tahimik pero maingay kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may mga problema din akong tinatago. Mahalaga sa akin ang kanta o larong "NANAY, TATAY" siguro dahil hindi buo ang pamilya ko.
Noong isinilang ako, sabi ng tita ko kasama ko pa ang nanay ko hanggang sa nag isang taon ako. Maalaga daw ang aking ina, pero makalipas daw ang isang buwan, nagkasakit siya. Isang sakit na hindi makontrol. Isang sakit na naging dahilan kung bakit ako nawalay sa aking ina. Inilayo nila ako sa aking ina. Lumaki ako sa piling ng aking ama. Paliwanag niya, hindi ako maalagaan ng mabuti dahil may sakit ito. Medyo may isip na ako noong panahaon na yon. Nasa kinder ata ako, naalala ko nung hinatid ako ni papa sa school. Pagdating namin sa school, pinakilala ng classmate ko ang nanay at tatay niya, tapos tanong niya, siya ba papa mo? nasaan ang mama mo? nguniti lang ako, pero habang buhay tumatak yun sa isip ko ... Nasaan nga ba ang mama ko?, diba dapat siya ang naghahatid at nagsusundo sa akin sa school?, diba dapat siya ang nagtatali at nag-aayos sa magulo kong buhok?. Kase yun ang mga sinasabi ng mga kaklase ko, ganun daw ang nanay nila.Lumipas ang taon,mayroong pinakilala sa akin si papa, ninang ko daw. Natuwa ako kasi yung ninag na yun tuwing pasko at kaarawan ko ay nagbibigay ng regalo binigay niya yung mga kailangan ko. Pero hindi rin nagtagal, kumbaga sa RELATIONSHIP, nagiging COLD na siya, hindi na pumupunta... syempre!! hindi ko na rin nakikita at ang masakit doon, malalaman mo na lang na ang nanay mo ay ang tinatawag mong ninang. Noong nakaraang taon nga bago mag birthday ko excited kong sabi sa sarili ko na "sana birthday ko na para paggising ko ay makikita ko ay makikita ko na ulit ang mama ko , bibigyan niya ako ng jollibee!! (palagi niya kase ako binibigyan niyan kapag b-day ko)...... YESS! YOWW!! BIRTHDAY KO NA !! maaga ako nagising nagbukas ng ref, walang jolibee naghintay ako walang dumating sabi ko "baka mamayang hapon pa siya pupunta" pero wala talaga, hanggang sa sumunod na araw wala man lang akong narinig na "happy b-day anak!, ilang taon ka na?. tanda mo na ah! galing sa aking ina, sabi ni papa baka nakalimutan o baka walang pera... pero hindi lang naman handa o regalo an gusto ko, ang gusto ko eih yung kapag kaarawan ko, babatiin niya ako, kakamustahin. Kahit walang handa okay na! kasama ko naman ang mama at papa ko.
"Ina, nanay, mama, mommy". ang sarap siguro sa pakiramdam na may tinatawag kang ganyan. Ako kasi, hindi ko naransan sa tunay kong nanay na tawagin siyang ganyan dahil sanay ako na tawagin siyang ninang. Hindi ko rin naranasan yung sasabihan ka na " anak, mag-ingat ka, mag-aral ka ng mabuti, mahal ka ng nanay". lahat yan pinapangarap ko pa din hanggang ngayon. Lahat gusto kong maranasan kasama ang aking ina. Ang makasama siya, mayakap, malambing kasama ang aking tatay .... Mga bagay na pinagdamot sa akin ng tadhana. Pinagdamot sa akin, ang aking pangarap, ang aruga ng isang ina !! :))
No comments:
Post a Comment