CRUSHH? Hmmm.. Yan yung kahit "Single" ka, syempre! walang lovelife, andyan lang si crush masaya ka na. Makita mo lang siya buo na ang araw mo. Yung kapag dumaan siya mapapangiti ka, kapag naman tumingin sayo titingin agad kahit saan hindi mo na alam kung ano na ang gagawin mo.. kunyari may ginagawa pero kapag wala na siya .. nakoooo! humanda ka na, hampas here! hampas there! hampas everywhere! :) Sabi nga nila " ang crush hindi ka pinapansin pero minsan nakatingin ito ba ay tinatawag na lihim na pagtingin o ikaw lang talaga ang assuming". Hayyy!! minsan nararanasan ko yan,, minsan nga ba??? sige na nga madalas kapag nakikita ko siya, assuming man ang tawag doon peroooo parang tumitingin talaga siya eihh .. wait syempre ang crush din ang dahilan kung bakit nagseselos at nagagalit tayo dahil kapag may kasama siyang iba nakoooo, gera na ! ....
Pangarap kong maging crush din ng crush ko, maging mahal din mahal ko ... anong ending? syempre imagination lang din hahaha! pero sana pwede magkatotoo para hayahay ang buhay. Lahat naman ata tayo gusto niyan wala naman sigurong tao ayaw niyan basta maghintay lang tayo ng tamang oras at panahon sabi nga nila "the best things in life comes to those who wait patiently".
No comments:
Post a Comment