"Ambisyon". Lahat tayo meron niyan, mahirap man o mayaman ay may ambisyon sa buhay. May pinagaralan man o wala ay may tinutupad na pangarap. Lalaki man o babae, bakla man o tomboy, may hangarin o pangarap sa buhay na gustong makamit o makamtan.
Ikaw?? Ano ang ambisyon mo? May naisip ka na ba?...... AKO?? Oo naman! Simple lang naman ang pangarap ko, ang makapagtapos ng pag-aaral sa High School at makagraduate sa College bilang isang napakagandang Flight Stewardes gusto ko kasing malibot ang buong mundo at madiskubre kung gaano kaganda ang ating bansa at kapag ako ay nakahanap na ng magandang trabaho ... syempre! ang gusto nating lahat, may malaking sweldo kumbaga sahod. Ililipat ko ang aking pamilya sa U.S, tapos bibili ng malaking bahay na may swimming pool at aircon, at kahit 2 sasakyan okay na ! doon, magsisimula kami ng bagong simula, maninirahan na masaya, puno ng pag-ibig o pagmamahalan at may tiwala sa Diyos. Ang aking pangarap ay simple lamang, gagawin ko ang lahat o kahit ano basta ang pangarap ko ay matupad. Kung mabigo man, susubukan ko ulit, sabi nga nila "try and try until you succeed".
Ang buhay ay napaikli kaya kailangan natin itong pahalagahan, "if you live right once is enough"... Hindi ko sasayangin ang bawat minuto at segundo dahil ang oras ay tumatakbo ng napakabilis hindi mo na ito maibabalik muli kahit tanggalan mo man ng battery dahil ang nakaraan ay nakalipas na.
No comments:
Post a Comment