Tuesday, February 25, 2014

HAPPY Family :))


      Hmmm. Lahat naman ata tayo gusto ng masayang pamilya. Ikaw ba gusto mo?.. wala naman ata na ayaw ng masaya at buong pamilya diba?... AKO? Syempre! gustong gusto ko,yung feeling ng kasama mo si tatay, si nanay, si ate at si kuya na  matutulog na magkakatabi, maglalaro sa park, kakain sa Jollibee o Mcdo, bibili ng mga kailangan katulad ng damit, sapatos at gamit sa bahay at school, magsisimba tuwing linggo at mamamasyal sa Mall. Lahat yan kahit ulit- ulitin mo pa hindi yan nakakasawa. Sino bang magsasawa o maboboring kung kasama mo naman ang buong pamilya mo na nagtatawanan, naghaharutan, nagbibiruan minsan natutuloy pa sa hampasan suntukan at awayan.

     Sana buo din ang pamilya ko, para naman maranasan ko ang mga bagay bagay na ginagawa ng buo ang pamilya. Ako kase, hindi buo ang pamilya ko magkahiwalay sila mama at papa, kasama ko lang si papa pero si mama hindi, tuwing pasko lang siya pumupunta ng bahay.. kaya malungkot akooo :( haha! hindi joke langg !! sige na ngaaa.. malungkot ako kapag inaaalala ko ang mama ko tuwing gabi. Hayy!! ang life nga naman ooh!! bakit pa kase hindi buo ang pamilya ko eihh, di dapat nararanasan ko ang mga bagay bagay na kasama sila mama at papa... siguro may dahilan si Lord kung bakit hindi buo ang pamilya ko sabi nga nila " be happy with what you have, keep working for what you loved. Remeber that a happy life begins by saying, thank you Lord for what I have" and " whatever happens, just relax and manage to smile, because life is not problem to solved but God's gift to be enjoyed" baka pagdating ng panahon sasaya din ako kasama ang buong pamilya ko at mamumuhay kami ng tahimik, masaya at masagana.

 


Monday, February 24, 2014

OhMyCRUSHHHH !

 
     CRUSHH? Hmmm.. Yan yung kahit "Single" ka, syempre! walang lovelife, andyan lang si crush masaya ka na. Makita mo lang siya buo na ang araw mo. Yung kapag  dumaan siya mapapangiti ka, kapag naman tumingin sayo titingin agad kahit saan hindi mo na alam kung ano na ang gagawin mo.. kunyari may ginagawa pero kapag wala na siya .. nakoooo! humanda ka na, hampas here! hampas there! hampas everywhere! :) Sabi nga nila " ang crush hindi ka pinapansin pero minsan nakatingin ito ba ay tinatawag na lihim na pagtingin o ikaw lang talaga ang assuming". Hayyy!! minsan nararanasan ko yan,, minsan nga ba??? sige na nga madalas kapag nakikita ko siya, assuming man ang tawag doon peroooo parang tumitingin talaga siya eihh .. wait syempre ang crush din ang dahilan kung bakit nagseselos at nagagalit tayo dahil kapag may kasama siyang iba nakoooo, gera na ! ....

      Pangarap kong maging crush din ng crush ko, maging mahal din mahal ko ... anong ending? syempre imagination lang din hahaha! pero sana pwede magkatotoo para hayahay ang buhay. Lahat naman ata tayo gusto niyan wala naman sigurong tao ayaw niyan basta maghintay lang tayo ng tamang oras at panahon sabi nga nila "the best things in life comes to those who wait patiently".


        





Tuesday, February 18, 2014

Someday ... (Ambisyon)

         "Ambisyon". Lahat tayo meron niyan, mahirap man o mayaman ay may ambisyon sa buhay. May pinagaralan man o wala ay may tinutupad na pangarap. Lalaki man o babae, bakla man o tomboy, may hangarin o pangarap sa buhay na gustong makamit o makamtan.

         Ikaw?? Ano ang ambisyon mo? May naisip ka na ba?...... AKO?? Oo naman! Simple lang naman ang pangarap ko, ang makapagtapos ng pag-aaral sa High School at makagraduate sa College bilang isang napakagandang Flight Stewardes gusto ko kasing malibot ang buong mundo at madiskubre kung gaano kaganda ang ating bansa at kapag ako ay nakahanap na ng magandang trabaho ... syempre! ang gusto nating lahat, may malaking sweldo kumbaga sahod. Ililipat ko ang aking pamilya sa U.S, tapos bibili ng malaking bahay na may swimming pool at aircon, at kahit 2 sasakyan okay na ! doon, magsisimula kami ng bagong simula, maninirahan na masaya, puno ng pag-ibig o pagmamahalan at may tiwala sa Diyos. Ang aking pangarap ay simple lamang, gagawin ko ang lahat o kahit ano basta ang pangarap ko ay matupad. Kung mabigo man, susubukan ko ulit, sabi nga nila "try and try until you succeed".

       Ang buhay ay napaikli kaya kailangan natin itong pahalagahan, "if you live right once is enough"... Hindi ko sasayangin ang bawat minuto at segundo dahil ang oras ay tumatakbo ng napakabilis  hindi mo na ito maibabalik muli kahit tanggalan mo man ng battery dahil ang nakaraan ay nakalipas na.








Monday, February 10, 2014

Aruga ng Isang Ina !

    "Nanay, Tatay gusto ko tinapay. Ate, Kuya guysto ko ng kape. Lahat ng gusto ko ay susundin niyo ang magkamali ay pipingutin ko" ....... Isa lamang itong simpleng kanta, para sa mga taong naglalaro nito, pero para sa akin, mahalaga. Ako yung taong masayahin, tahimik pero maingay kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may mga problema din akong tinatago. Mahalaga sa akin ang kanta o larong "NANAY, TATAY" siguro dahil hindi buo ang pamilya ko.

     Noong isinilang ako, sabi ng tita ko kasama ko pa ang nanay ko hanggang sa nag isang taon ako. Maalaga daw ang aking ina, pero makalipas daw ang isang buwan, nagkasakit siya. Isang sakit na hindi makontrol. Isang sakit na naging dahilan kung bakit ako nawalay sa aking ina. Inilayo nila ako sa aking ina. Lumaki ako sa piling ng aking ama. Paliwanag niya, hindi ako maalagaan ng mabuti dahil may sakit ito. Medyo may isip na ako noong panahaon na yon. Nasa kinder ata ako, naalala ko nung hinatid ako ni papa sa school. Pagdating namin sa school, pinakilala ng classmate ko ang nanay at tatay niya, tapos tanong niya, siya ba papa mo? nasaan ang mama mo? nguniti lang ako, pero habang buhay tumatak yun sa isip ko ... Nasaan nga ba ang mama ko?, diba dapat siya ang naghahatid at nagsusundo sa akin sa school?, diba dapat siya ang nagtatali at nag-aayos sa magulo kong buhok?. Kase yun ang mga sinasabi ng mga kaklase ko, ganun daw ang nanay nila.Lumipas ang taon,mayroong pinakilala sa akin si papa, ninang ko daw. Natuwa ako kasi yung ninag na yun tuwing pasko at kaarawan ko ay nagbibigay ng regalo binigay niya yung mga kailangan ko. Pero hindi rin nagtagal, kumbaga sa RELATIONSHIP, nagiging COLD na siya, hindi na pumupunta... syempre!! hindi ko na rin nakikita at ang masakit doon, malalaman mo na lang na ang nanay mo ay ang tinatawag mong ninang. Noong nakaraang taon nga bago mag birthday ko excited kong sabi sa sarili ko na "sana birthday ko na para paggising ko ay makikita ko ay makikita ko na ulit ang mama ko , bibigyan niya ako ng jollibee!! (palagi niya kase ako binibigyan niyan kapag b-day ko)...... YESS! YOWW!! BIRTHDAY KO NA !! maaga ako nagising nagbukas ng ref, walang jolibee naghintay ako walang dumating sabi ko "baka mamayang hapon pa siya pupunta"   pero wala talaga, hanggang sa sumunod na araw wala man lang akong narinig na "happy b-day anak!, ilang taon ka na?. tanda mo na ah! galing sa aking ina, sabi ni papa baka nakalimutan o baka walang pera...  pero hindi lang naman handa o regalo an gusto ko, ang gusto ko eih yung kapag kaarawan ko, babatiin niya ako, kakamustahin. Kahit walang handa okay na! kasama ko naman ang mama at papa ko.

   "Ina, nanay, mama, mommy". ang sarap siguro sa pakiramdam na may tinatawag kang ganyan. Ako kasi, hindi ko naransan sa tunay kong nanay na tawagin siyang ganyan dahil sanay ako na tawagin siyang ninang. Hindi ko rin naranasan yung sasabihan ka na " anak, mag-ingat ka, mag-aral ka ng mabuti, mahal ka ng nanay". lahat yan pinapangarap ko pa din hanggang ngayon. Lahat gusto kong maranasan kasama ang aking ina. Ang makasama siya, mayakap, malambing kasama ang aking tatay .... Mga bagay na pinagdamot sa akin ng tadhana. Pinagdamot sa akin, ang aking pangarap, ang aruga ng isang ina !! :))

My Dream Boy


     "IDOL" kung sa tagalog ay paghanga sa isang taong may angking kakayahan sa iba't-ibang larangan.


        Maraming klase ng tao tayong hinahangaan writer, singer, dancer, host, bands, models,scientists at iba pang mga propesyon, higit sa lahat ang mga artsta. Napakaraming humahanga sa mga artista siguro marahil sa kanilang pisikal na pangangatawan, angat na itsura o sabihin na nating gwapo, malakas ang karisma, talento lahat na.. Parang lahat na nga ata kinuha nila..? Gaya ko humahanga din ako sa isang artista, gusto niyo bang malaman? pilitin niyo akooo.. nakakahiya eih^.^ Sige na nga! dahil gusto mo sasabihin ko na, sa totoo lang si Chocolate kase eih. Naniwala ka? Syempre joke lang, kilala niyo ba si FRANCIS MAGUNDAYAO? Ako kilalang kilala ko dahil siya ang idolo ko.


Francis Elmer "KIKO" Cabalteja Magundayao
14 years old
May 14, 1999 in Antipolo Rizal, Philippines
Filipino Actor and Top Commercial Model 


        Inidolo ko siya dahil una gwapo siya, may talento, mahusay umarte.. ah basta! kung ano yung sinabi ko sa umpisa ganun siya at isa pa siya ang isa sa mga inspirasyon ko. Sa katunayan nga eih, sa sobrang paghanga ko sa kanya pati pag tingin ko minsan sa tatay ko si FRANCIS??? OMG ! Hay! KALOKA!. Pero ang masakit dun patuloy akong humahanga sa kanya kahit alam kong wala namang pag-asa!, Artista siya, tagahanga nga lang ako. Kilala ko siya, pero ako ba kilala niya?. Marami akong picture niya sa cellphone, siya ba meron kahit isa?. Pinupuntahan ko kung nasaan siya, pero siya ba alam niya kung nasaan ako?. Nagpapakapagod akong habulin siya para magpapicture, pero siya natry bang habulin ako?. Sige na, tama na ang drama! nag-iilusyon na naman ako! Pero yun talaga eih, sa kabila ng pag-iidolo at paghanga ko sa kanya, kahit kailan hindi niya ako makikilala... pero kahit hindi niya ako kilala may picture naman ako kasama siya 


Celeb.Teen Basketball
@ CDSL Gym Congressional Ave. Proj.6


Kahit mahal ang bayad ng entrance, okay na! nakita ko naman ang idolo ko at minessage namin siya sa twitter na sana ifollow back niya ako, pero sa hindi ko inaasahan finollow niya din ako sa wakas!! :)) HAY ! Sobrang saya ko nung araw na yun! Sana maulit uli ang kahapon !!